Last sunday (july 19,2015) Muling nakatugtog sa isang event ang bandang Mercy is Falling, kung di ako nagkakamali last gig ay 2011 pa. Naalala ko nung time na unang ininvite ako ni Leeyan na mag session sa isang church sa Makati para mag bass kaso that time under restoration pa ko sa worship team ng church namin, para respeto sa main church na pinag sserve-an ko, di muna ako nag confirm kay Leaayn kahit gustong gusto ko nang tumugtog.. at nung time na tuluyan na kong nag resign bilang member ng worship team, madami ako secular band na naka jam.. Muli, kinontak ako ni Leeyan para banda nyang Mercy is Falling, may mga compo na sila nung time na yun kaya nung narinig ko mga kanta nila nag "oo" agad ako, una namin gig kasama sila sa "octoberpraise" isang christian event sa ginanap sa morayta, manila after nun sunod sunod na ang gig ng Mercy, masaya ako kada may gig kahit di ramdam ko na di naman ganun kalakas ang impact ng banda kasi siguro puro lalake kame, parang walang dating pero oks lang perform pa din.. may time pa nga na ang audience ay isang table lang.. lol! lalo na pag kasabay namin magagalinbg na banda tulad ng Mayonaise, Moonstar88 etc., after nila uwian na din mga tao.. hehehe! mga ilang months din kame gumig with Mercy after nun kinailangan na ni Leeyan mag work abroad, nagkanya kanya muna kmeng mga naiwan na bandmate, hanggang sa nagkaroon kame ng chance makapag jam nila PK at Jae.. hanggang sa kinuha na namin vox si Erika kaya nabuo ang band MAY.. ngayon nagkaroon si Leeyan makapag bakasyon sa pilipinas, alam namin miss na miss na nya kumanta sa gig akaya ayun, nag set na sila.. actually di naman talaga ako ang mag bass sa kanila ngayon, kasi ayaw na din nila siguro sakin, lol.. gusto nila yung magagaling na siguro, kaso yung mga gusto nilang di available sa date ng event kaya napagtyagaan nila ako.. oks lang yun di naman talaga ako magaling saka at simula naman nung una, session lang ako sa Mercy.. game pa din syempre ako kahit medyo badtrip yun, kasi mga kaibigan pa din naman sila saka para makumpleto ang bakasyon ni Leeyan kasi alam kong miss na nya kumanta at tugtugin ang mga compo nya.. kaya last sunday muli nakatugtog ang Mercy is Falling salamat sa Red Button Prod(mang jose) sa pag sama sa Mercy sa line up.. masaya ako na nakasama ang mga dati kong kabanda, di ko man na deliver ng maganda yung bass line na gusto nila pero sana nag enjoy pa din lahat..  :) rock and roll lang..


Mercy is Falling 2015 @ Blue Light Studio